Home » Entertainment » Aktres, malakas kumain

Aktres, malakas kumain

heart foto copy copy

Sina Gretchen Barretto at Heart Evangelista naman ang pinagkukumpara ng netizens kung sino sa kanila ang magandang magsuot ng Dolce & Gibbana (D&G) mambo peasant dress na kapuwa nila ipinost sa social media.

Post ni Heart, “dolce far niente” meaning sweet doing nothing. Post naman ni Gretchen, “playing around in my Happy room. Oh! Summer you drive me to insanity.”

Parehong off-shoulder style, short sleeves at pleated skirt na floral design ang suot nina Gretchen at Heart. Base sa D&G website, worth $1,535 o katumbas na 76,740 PHP ito.

May post din si Marian Rivera sa social media ng D&G din na mambo cotton flared skirt worth $ 915 or 45,744 PHP. Ang charmeuse silk sleeveless top naman niya ay $ 915 or 45,744 PHP.

Si Baby Zia ay naka-cotton poplin dress naman, worth $ 222 or 11,248 PHP.

Dahil sa kapopost nila sa social media ng branded dresses, t-shirts, shoes, bags, etcetera, kaya pinagkukumpara sila ng netizens. Ang dating sa iba, nagpapatalbugan sila.

Malakas kumain

Balik sa Roxanne Barcelo ang showbiz name niya. Pinalitan sa Roxee B., pero walang nangyari. Neither here or there ang career ni Roxanne. Lumabas siya sa ilang programa ng GMA7. Matatandaang siya ang Crying Lady noong naging housemate siya sa Pinoy Big Brother (2006).

BFF si Roxanne ni Marian Rivera at umabay siya sa kasal nito at ni Dingdong Dantes. Naging friends sila ni Marian noong nagkasama sila sa GMA series, “Amaya.”

Naging “item” sina Roxanne at former PBB housemate Will Devaughn. “Sila” pa rin kaya hanggang ngayon?

Si Roxanne ang lead female star sa “Way of the Cross,” her first indie film under Kaizen Studios. Nag-audition siya for her role as Maria.

All praises kay Roxanne ang producer-director na si Antonio Diaz. Magaling daw siya umarte at very professional.

Ibinuking nitong malakas siyang kumain ng kanin. “Kailangan ko ng rice for energy dahil mabibigat ang mga eksena ko,” paliwanag ni Roxanne. Kahit rice person, sexy body pa rin si Roxanne.

Big event

Kita-kits mamaya at 5pm sa AgilaTheater grounds sa Enchanted Kingdom para sa Thanksgiving event ng cast ng “Encantadia“ at “Mulawin Vs. Ravena.”

Sa May 19 ang final episode ng “Encantadia” at pilot airing naman ng MVR on May 22 sa GMA Telebabad.

comments