Home » Entertainment » Juancho, happy that AlDub fans adore him

Juancho, happy that AlDub fans adore him

Happy ang Kapuso hunk na si Juancho Trivino dahil sa magandang pagtanggap sa kanya bilang ka-love triangle nila Alden Richards at Maine Mendoza sa teleserye na Destined To Be Yours.

Nagpapasalamat siya sa mga nababasa siya sa social media dahil sa role niya bilang si Badong, ang childhood friend ni Sinag na naging girlfriend niya sa istorya.

May mga nabubuo na raw na Team Badong para kay Sinag.

“Nakakatuwa lang po kasi hindi ko inaasahan na ganito ang pagtanggap nila kay Badong.

“Noong una natatakot ako kasi alam ko kung gaano kamahal ng fans ang loveteam nila Alden at Maine. Pero as the story evolves, may mga nabuo na Team Badong.

“Lalo na ngayon at medyo nagiging complicated na ang relastionship nila, makikita nila kung gaano kamahal ni Badong si Sinag.

“Maganda ang rapport namin ni Maine, eh. Masarap siyang katrabaho dahil natural na natural ang acting niya,” ngiti pa ni Juancho.

Pero wala naman daw kailangang ipagbahala ang marami dahil angat pa rin ang Team Benjie. In real life naman daw kasi ay may non-showbiz girlfriend si Juancho.

Medyo sad din si Juanco dahil malapit nang matapos ang Destined To Be Yours. Good for one season lang talaga ang story nila at kailangan mag-prepare na sina Alden at Maine sa isu-shoot nilang pelikula.

“Nakakalungkot lang na malapit na pala kaming matapos.

“It’s also good for us. Nagkaroon ng camaraderie ang buong cast, lalo na noong nagte-taping kami almost every day sa Dolores, Quezon.

“Yung mga first na araw namin mag-tape doon, we would walk talaga sa rainforest na naka-bota kami. Sinusuong namin, ang lalalim ng putik! Sama-sama kami doon, magbo-bonding.

“Nakakatuwa lang na maalala lahat ng iyon kasi matatapos na kami,” pagtapos pa ni Juancho Trivino.

comments