Home » Entertainment » Iza Calzado clarifies wedding reservation

Iza Calzado clarifies wedding reservation

Binigyang-linaw ni Iza Calzado ang pinost sa Instagram ng kanyang manager na si Noel Ferrer tungkol sa diumano’y wedding reservation na intended para sa aktres at sa boyfriend nitong si Ben Wintle.

Nag-post kasi sa IG si Noel ng wedding anniversary photo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noong April 28. At sa caption nito ay tila may pahulaan si Noel kung sino ba ang susunod na ikakasal sa April 28 sa susunod na taon. “IN FAIRNESS TO RYAN, HE CAME PREPARED WITH A WEDDING BOUQUET which he gave Juday. At the end of the Mass/Ceremony, traditionally, the bouquet is to be thrown away and is caught by the next one who’ll get married. NO NEED THIS TIME.

Because this morning, the APRIL 28, 2018 date has been reserved for a couple in our “extended family circle” – guess who? a) KC CONCEPCION & ALY BORROMEO, b) IZA CALZADO & BEN WINTLE, or c) SARAH GERONIMO & MATTEO GUIDICELLI? – Fr. @titocaluag has already saved it in his calendar. UNTIL THE NEXT AUSPICIOUS WEDDING DATE. SEE YOU ALL!”

Nang mag-guest si Iza sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, inusisa siya ng guest co-host nina Karla Estrada at Jolina Magdangal na si Boy Abunda tungkol sa IG post na ito ng manager niya. Diretsahang tinanong ni Boy si Iza kung ang couple ba na ikakasal sa April 28, 2018 ay sila ni Ben?

“Kapag siya po ay nag-propose na, posible,” sambit ni Iza. “Kasi ganito yun, ang dami ngang nagtatanong kung kami daw ba yun. Sabi ko, pinangunahan naman kami. Ni-reserve nila, pero hindi pa kami engaged.”

So, ibig sabihin naka-reserve talaga ang date na iyon para sa kanila ni Ben? “Yes. Parang kasi anniversary iyan nina Juday. I think also nina Lucy (Torres) at Richard (Gomez), and Sharon (Cuneta) din ba and Kiko Pangilinan. So, the intent of Noel… not just Noel but Juday. Kasi we have a chat group, sabi nila auspicious yung date, sinong isusunod natin? Sabi mismo ni Juday, ‘Di ba dapat si Iza at saka si Ben. Tapos ni-reserve na nila.”

Ang punto ni Iza, paano sila ikakasal kung hindi pa nagpo-propose si Ben. Kaya ngayon hinihintay lang daw niyang gawin ito ng boyfriend niya. “It’s gonna happen. Actually, kasalanan ko din yata kasi dati, ‘I don’t wanna get marrie yet.’ Tapos dumarating pala yung point na, ‘Ay, pwede na akong magpakasal.’ Pero I think dumating na ron ako sa point na mas mature na ako, na alam kong lahat ng fears mo nasa utak mo lang iyan e. Parang you also manifest things. If you think about it positively, then good things will happen.”

Pero mayroon na ba silang seryosong usapan ni Ben? “Yes, we talked about marriage. I think hinihintay lang niyang makita yung time na pag sinabi niyang “having kids,” hindi na ako gaganun. Importante kasi sa kanyang magkaroon ng kids. And sa akin naman, slowly, kasi again takot. Pero kaya iyan.”

Si Ben na ba ang kanyang a love to last? “Yes, i-claim natin.”

Incidentally, ang A Love To Last ang kinabibilangang primetime teleserye ni Iza sa ABS-CBN. Mapapanood din si Iza sa pinagbibidahan niyang pelikulang Bliss, na ipalalabas sa mga sinehan nationwide sa May 10. (Glen P. Sibonga)

comments