Home » Entertainment » Ogie wants Leila to prioritize school over showbiz

Ogie wants Leila to prioritize school over showbiz

8ogie copy copy

Humiling ng one year na break mula sa school ang panganay na anak ni Ogie Alcasid sa dating misis na si Michelle Van Eimeren para mapag-isipan kung ano ang gusto niyang kurso sa kokehiyo.

Naka-one year na raw kasi si Leila Alcasid bilang freshman college student sa Sydney, Australia at dito sa Pilipinas ipagpapatuloy ni Leila ang kanyang pag-aaral.

Pumayag naman daw si Ogie sa hiling ng anak na magpahinga muna ito from school. Pero may usapan sila na magiging priority ni Leila ang pag-aaral.

“’Yun naman ang reason kung bakit siya nandito, eh.

“Usapan namin iyon ng mommy niya na dito sa Pilipinas magtatapos ng college si Leila.

“Back in Sydney, Leila took up a political international studies course. Pero mukhang gusto niyang mag-iba ng course dito.

“Leila loves to write kaya she’s looking into taking up a course in English Literature or Mass Communication.

“Wala pa naman kaming napipiling school for her. But since taga-U.P. ako, I showed her the curriculum. Pero we will be looking at other schools as well,” diin pa ni Ogie.

For now, nagwu-workshop si Leila for acting and speaking Tagalog.

“Leila has a very thick Australian accent kasi doon na sila ng kapatid niyang si Sarah lumaki sa Australia.

“Pero minsan napakinggan ko si Leila na nagta-Tagalog. Nagagawa na niyang matanggal ‘yung accent.

“Importante sa akin ‘yung matutunan niyang magsalita ng Tagalog na maayos.

“Kasi paano ka naman aarte sa TV or movie kung baluktot ang dila mo sa Tagalog, ‘di ba?

“Sabi ko naman sa kanya, practice lang siya ng practice. Maghanap siya ng mga makakausap in Tagalog.

“Kasi kung ako ang kausap niya, mahirap kasi inglesero din ako!” tawa pa ni Ogie.

Special guest si Ogie sa concert na Platinum: World’s Favorite Hit Songs… Live! nila Morissette at Tanya Manalang.

Magaganap ito on May 6 sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila. (RUEL J. MENDOZA)

comments