Home » Entertainment » Alden, may regalo sa fans

Alden, may regalo sa fans

9alden copy copy

Magandang birthday gift kay Vic Sotto ang pagbubuntis ni Pauleen Luna. April 28 ang birthday ni Vic who turned 63.

Pang-limang anak niya ang ipinagbubuntis ni Pauleen. Dalawang anak niya sa first wife niyang si Dina Bonnevie, sina Danica at Oyo. Isa kay Coney Reyes, si Vico at si Paulina kay Angela Luz.

Ten weeks pregnant si Pauleen sa first baby nila ni Vic. Hiling na dasal ni bossing na nawa’y maging maayos ang pagbubuntis ni Pauleen.

Ani Mrs. Sotto, hindi naman siya hirap sa paglilihi. Wala siyang morning sickness. Ayaw lang niya ng matatapang na amoy.

Indie film

Para sa catholic countries ang indie film na “Way of the Cross” na ayon sa producer-director na si Antonio Diaz, sinulat ang script nito in global perspective.

Ang concept ay hinango sa station of the cross na tumatalakay sa pananampalataya at paniniwala sa Panginoong Diyos.

Ang setting ay sa isang religious town sa Pilipinas.

Mystery thriller din ang WOTC na sa isang bayan ay naganap ang sunud-sunod na patayan during Holy Week. Naghasik ito ng takot sa mga taong-bayan.

Tampok dito sina Roxanne Barcelo, Rafael Rosell, Alvin Anson, Daiana Menezes, Isay Alvarez, Anthony Diaz, Miguel Vasquez, Yussef Esteves and theater actors, Vic Romano, Apollo Abraham and OZ Rivera, and a lot more. Directed by Gorio Vicuna and Antonio Diaz. Produced by Kaizen Studios.

Nagbalik

Nagbalik na sa “Encantadia” ang karakters nina Mikee Quintos at Kate Valdez bilang Lira at Mira respectively.

Kaabang-abang ang magaganap na twist sa pagbalik ng dalawang diwani.

Last two weeks na ng “Encantadia” at hindi dapat palampasin ang mga kaganapan hanggang katapusan nito on May 19. Ani Mikee at Kate, mami-miss nila ang isa’tisa, pati ang ibang co-stars nila sa “Encantadia.” “Pati costume ko,”joke ni Mikee.

Hands-on

Puspusan ang paghahanda ni Alden Richards para sa forthcoming concert niya on May 27. Titled “Upsurge,”gaganapin ito sa Kia Theater. Mabilis maubos ang ticket, kaya ‘yung mga interesadong manood, umagap naagad.

Hands-on si Alden sa lahat ng magaganap sa kanyang concert na aniya, gift niya sa kanyang fans and supporters.

Kaabang-abang ang special guests niya.

comments