Home » News » News Roundup » Man gunned down in QC

Man gunned down in QC

Binaril at namatay ang isang lalaki sa harap ng isang drug store sa kanto ng Tandang Sora and Commonwealth Avenues sa Barangay Old Balara, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Quezon City Police District ang biktima na si Marlon Cruz, 33, alias “Balong.”

Ayon sa salaysay ng witness sa police, nakarinig siya ng mga putok ng baril at pinuntahan niya ang lugar kung saan galing ang mga ito.

Nakita niya ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa kalye at dalawang armadong lalaki na nakasuot ng hooded jackets at papasakay ng kotseng walang plaka. Humarurot ang kotse patungong Commonwealth Ave.

Natagpuan malapit sa bangkay ng biktima ang mga basyo ng bala. Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Napagalamang sumuko si Cruz sa mga police sa ilalim ng “Oplan: Tokhang” last July 1. Inaalam pa kung may kinalaman sa illegal drugs ang pagpatay. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments