Home » Entertainment » Aktor, gustong makatrabaho muli ang ex-GF

Aktor, gustong makatrabaho muli ang ex-GF

rocco-nacino-4-copy-copy

Hindi lang ang mga taga-Sta. Rosa, Laguna ang pinasaya ng cast ng “Encantadia” at “Mulawin Vs. Ravena” sa special show na ginanap sa Enchanted Kingdom on May 7. Pati ang ibang taga-karatig-bayan ay sumugod doon para makita nang personal ang Kapuso stars.

Meron ding taga-Manila na nag-effort pumunta. Bukod sa song numbers ng Kapuso stars, nag-enjoy ang audience sa games at photo opps with them.

Sa imbitasyon ng GMA Corporate Affairs and Communications team, nag-join kami kasama ang ilang entertainment writers sa ginanap na event sa Agila Theater grounds sa Enchanted Kingdom. Bago nag-umpisa ang show ay nakausap naming ang ilang Kapuso stars na bahagi ng “Encantadia” at “”Mulawin Vs. Ravena.”

Si Rocco Nacino who plays Aquil in “Encantadia” ay nagsabing may separation anxiety siya sa nalalapit na pagtatapos nito. Last two weeks na lang ito na aniya, marami pang matitinding kaganapan ang dapat abangan.

Ayaw niyang sabihin kung magkakatuluyan ba ang karakter niya at si Danaya (Sanya Lopez). Hindi pa raw sila nakakapag-last taping day. Paalis sila today for Vancouver, Canada para sa GMA Pinoy TV show on May 12.

Sa May 14 ang balik nila sa Pilipinas at magte-taping pa sila ng remaining episodes ng “Encantadia.”

Walang pakialam

Kumusta na ang puso niya ngayon? “Masaya. Okey ang takbo ng buhay ko ngayon,” ani Rocco. Aniya pa, nagte-textan muli sila ni Lovi Poe. Pina-follow na nila muli ang isa’t isa sa social media.

Pero mariing nilinaw ni Rocco na hindi sila nagkabalikan o posibleng magkabalikan. Alam niyang may foreigner boyfriend si Lovi. “Wala akong pakialam sa boyfriend niya. Naka-move-on na ako. All’s well at wala na talaga akong feelings for her. Tapos na ‘yun. It was a good run,” Rocco said.

Aniya pa, willing siyang makatrabaho muli si Lovi. At sana raw ay gano’n din ito. Past is past.

Hindi itinanggi ni Rocco na he’s dating a non-showbiz girl now. “Hanggang du’n lang muna. No commitment. Guarded pa rin ang puso ko. Waiting for the right girl. Pag nagmahal ako uli, all the way na ‘yun,” he said.

comments