Home » Entertainment » Gil Cuerva: ‘Acting is such a big challenge!’

Gil Cuerva: ‘Acting is such a big challenge!’

gil cuerva copy copy

Mula sa mundo ng modelling, biglang sumabak sa pagiging aktor ang bagong Kapuso hunk na si Gil Cuerva dahil sa pagganap niya bilang si Matteo Do sa sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na “My Love From The Star.”

Isa sa kanyang pinaggugulan ng panahon ay ang paghusayan ang acting skills niya dahil amindo si Gil na wala siyang acting experience talaga.

Ayon pa kay Gil: “Acting is such a big challenge for me. ‘Yung biggest adjustment was having to go through all the workshops and having to sacrifice a lot of time. You know study acting at saka i-review ‘yung mga scene, i-study ‘yung character ko all of these things… starting from scratch.”

Naikuwento pa ni Gil na binigyan siya ng advice ng kanyang co-star sa My Love From The Star, ang singer-actor na si Christian Bautista.

“Nagkakamali ako ‘pag nagbu-buckle sa lines. I remember one time, Christian Bautista talked to me after taping. Sabi niya that it took him a long time to get where he is. So, he was telling me not to be too hard on myself.”

Sobra man ang pressure na nasa balikat ngayon ni Gil dahil sa pagganap niya bilang Matteo Do, iniisip pa rin niya na malaking blessing ang mapasama sa long-awaited primetime series na ito ng Kapuso Network.

“Sobrang honored ‘yung feeling ko siyempre. I’m portraying Matteo from ‘My Love From The Star’ and he’s a very popular character.

“Ngayon naman ako ‘yung Matteo Do ng Philippines. I guess ‘yun nga it’s a huge honor, huge blessing,” ngiti pa niya.

Isang malaking karangalan din na makapareha niya sa kanyang unang teleserye ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na gaganap bilang si Steffi.

“Who doesn’t find Jennylyn Mercado attractive? Siyempre ako, included much like everybody else. We all find Jennylyn very attractive, very beautiful.” (RUEL J. MENDOZA)

comments