Home » Entertainment » Rocco, Sanyaalone in Canadakamakailan

Rocco, Sanyaalone in Canadakamakailan

23rocco-copy-copy

Mukhang maso-solo ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang Kapuso actress na si Sanya Lopez kapag natuloy ang paglipad nila papuntang Vancouver, Canada sa May 12.

Naimbitahan kasi ang dalawang “Encantadia” stars na aliwin ang mga Kapuso sa Vancouver.

Ito ang first time ni Sanya na makalabas ng bansa, kaya excited ito at ayaw niyang ma-preempt ang lahat.

“Nung sinabi sa akin na kasama ako sa Canada, hindi ako naniniwala. Ayokong umasa dahil baka hindi matuloy!” tawa pa niya.

Marami na kasing fans ang tambalan nila ni Rocco sa “Encantadia” bilang si Aquil at Danaya o “Danquil” para sa
kanilang mga fans.

Nag-post na nga si Rocco sa kanyang Instagram account ng pagsasamahan nilang show ni Sanya sa Canada.

“We just had to, dahil excited na kami makasama kayo mga Kapuso! Encantahan sa Vancouver, malapit na malapit na! See
you on May 12, at the Massey theater, 7pm!! Get your tickets now! ️”

May mga fans na kinikilig kapag may eksena ang Danquil sa “Encantadia”. Kaya pagkakataon na raw na gawin ni Rocco ang kanyang “da moves” kay Sanya habang nasa ibang bansa sila.

Anyway, nagpaabot naman ng congratulations si Sanya kay Rocco dahil sa pagkapanalo ng aktor kamakailan ng gold medal sa Manila International Open 2017: IBJJF Jiu-Jitsu Championship.

Expert sa mix-martial arts si Rocco at ang Jiu-Jitsu ang kanyang pinakapaboritong sport.

“You know it’s true what they say, if you put your heart to it, You’ll achieve whatever goal you have,” post pa ni Rocco sa IG.

Tinalo lang naman ni Rocco ang ilang Brazilian Jiu-Jitsu athletes from all over Asia.

“It was a good day today. Beat fighters from Guam, Taiwan and Korea to bag my first @ibjjf International Gold medal,” post pa niya ulit. (Ruel J. Mendoza)

comments