Home » News » News Roundup » Woman shot dead in Tondo

Woman shot dead in Tondo

Patay ang isang 38-year-old na babae matapos umanong barilin ng tatlong lalaking nakasakay ng motorsiklo sa Tondo, Manila kamakalawa.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay ni Lea Ruth Contreras sa Manila Police District, nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay sa Quiricada St. bago ang insidente.

Ilang minuto ang lumipas, nakarinig ng mga putok ng baril ang mga kapitabahay ng biktima. Lumabas ang mga ito at nakita nila ang biktima na nakahandusay sa kalye at isang lalaking nakatayo at dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na kanyang kinamatay. Tumakas ang mga suspect pagkatapos.

Hinala ng mga police na personal grudge ang maaaring dahilan ng pagpatay sa biktima. (Jaimie Rose A. Aberia)

comments