Home » Headlines » 5 holdaper, todas sa QC

5 holdaper, todas sa QC

Limang hinihinalang holdup men ang namatay matapos manlaban sa mga police sa magkakahiwalay na encounters sa Quezon City kahapon.

Tatlo sa kanila ang namatay matapos holdapin umano ang isang lalaki sa harap ng isang fastfood restaurant at the corner of Tandang Sora and Commonwealth Avenues sa Barangay Culiat bago mag 1 a.m. Nakilala ang isa sa mga suspect na si Jonathan Lucente, 38, ng Congressional Road, Barangay Batasan Hills.

IIang oras matapos ang insidente, sumunod ang dalawa na nagnakaw umano sa isang bahay sa Matimpiin St., Barangay Pinyahan. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments