Home » Entertainment » Aktor, binasted ng aktres

Aktor, binasted ng aktres

13Derrick and Bea copy copy

Happy, excited si Derrick Monasterio sa bagong project niya sa GMA7. Kasama siya sa cast ng “Mulawin Vs. Ravena (MVR)” where he plays Almiro, half-human, half-bird.

Ani Derrick, answered prayer na bahagi siya ng fantaserye. Kinakarir niya ang training sa martial arts para sa fight scenes niya sa MVR. Sa ipinapakitang teaser nito’y waring susugod sila nina Dennis Trillo at Miguel Tanfelix sa isang labanan. Dennis plays Gabriel at Pagaspas naman si Miguel.

Si Bea Binene ang love interest ni Derrick sa MVR na hindi nakarating sa Enchanted Kingdom para sa thanksgiving event ng “Encantadia” at advance promotion ng MVR. May sakit daw si Bea.

Hindi kaya iniwasan lang niyang magkita sila ni Inah de Belen na current girlfriend ng ex-boyfriend niyang si Jake Vargas? Ina plays Deshna/Luna sa “Encantadia.”

Anyway, inamin ni Derrick na crush niya si Bea noong nagkatrabaho sila sa defunct youth-oriented show, “Tweenhearts.”

Ewan kung joke lang o seryoso si Derrick nang sabihin niyang niligawan niya noon si Bea. “Binasted ako,” he said.

May Jake Vargas kasi that time si Bea.

Now, parehong single sina Derrick at Bea. Posible kayang i-pursue naniya ang dalaga? “Ang masasabi ko lang, girlfriend-material si Bea,”ani Derrick.

Bittersweet

Bittersweet ang nararamdaman ni Glaiza de Castro sa nalalapit na pagtatapos ng “Encantadia.” First time siyang nakagawa ng mahabang serye na umabot sa ten months. Ani Glaiza, hindi niya na-imagine na aabutin ‘yun ng ganoon katagal.

“Dito ako nag-grow as an artist. Extreme ang ginawa ko. Hindi lang basta nag-drama. Feeling ko, parang ga-graduate ako. Masayang experience na sabi nga ni direk Mark Reyes, this show is hard to let go. May separation anxiety ang buong cast,” ani Glaiza.

Wala pa siyang next project after “Encantadia.” Pagkakaabalahan naman niya ang promotion for her new album. Co-produced ito ni Glaiza with Poly East Records.

Kilig-kiligan

Kilig-kiligan si Solenn Heussaff sa love team nila ni Zoren Legaspi sa “Encantadia.” Kahit pareho na silang married, si Zoren kay Carmina Villarroel, si Solenn kay Nico Bolzico, may chemistry sila bilang Emre at Cassiopea respectively.

Ani Solenn, ni-request niya kay direk Mark Reyes na bigyan naman siya ng ka-love team. Ang mga sang’gre kasi’y may kanya-kanyang ka-love team, kaya nainggit siya (Solenn).

After “Encantadia,” pupunta si Solenn sa France para dumalo sa wedding ng isa niyang friend.

comments