Home » Entertainment » Bianca happy for Beauty’s wedding

Bianca happy for Beauty’s wedding

Happy si Bianca King para sa kanyang kaibigan at “Pusong Ligaw” co-star na si Beauty Gonzalez nang magpakasal ito sa non-showbiz fiance na si Norman Crisologo noong May 6 sa Antonio’s garden sa Tagaytay. Isa si Bianca sa celebrity friends ni Beauty na dumalo sa kasal, kasama rin ang iba pa nilang co-stars sa “Pusong Ligaw” na sina Joem Bascon at Enzo Pineda. Um-attend din sina Ellen Adarna, John Lloyd Cruz, at mag-asawang Julius at Tintin Babao.

Nag-post pa si Bianca sa kanyang Instagram ng picture nila ni Beauty pagkatapos ng kasal. Nakalagay sa caption nito na: “I love you Christine & Norman & Olivia!” Ang tinutukoy ni Bianca na Christine ay si Beauty, na ang real name ay Christine Marie Gonzalez, habang si Norman ang asawa nito, at si Olivia ang baby nila.

Naging magkaibigan sina Bianca at Beauty simula nang magkatrabaho sila sa “Pusong Ligaw”, bukod pa sa isa lang ang manager nila na si Arnold Vegafria.

Ayon nga kay Bianca, “Nag-workshop kami ni Beauty (for “Pusong Ligaw”). Pero pagkatapos ng workshop na iyon, ang bilis naming na-ging close talaga. Like we’re really, really good friends now. Pag wala kaming work, we go out together, we go to each other’s houses. We even traveled together, believe it or not, nag-Bangkok kami. So, ’yun naging matalik na talaga kaming magkaibigan in real life.”

Ginagampanan nina Bianca at Beauty sa serye sina Marga at Tessa/Teri, dating matalik na magkaibigan na nasira ang samahan dahil sa pagtataksil na ginawa ni Marga nang akitin nito ang boyfriend ni Tessa na si Caloy (Joem Bascon).

Mapapanood ang “Pusong Ligaw” mula Lunes hanggang Biyernes ng hapon pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.
(Glen P. Sibonga)

comments