Home » Entertainment » Kris, may businessman na manliligaw

Kris, may businessman na manliligaw

Turning 28 on May 17 si Kris Bernal na aniya, the whole day ay ise-celebrate niya ang kanyang birthday with her fans. Lahat ng fans niya’y imbitado. To be announced ang venue,ani Kris.

Kris Bernal

Kris Bernal

Sa gabi, may family dinner naman sila. Hermes bag ang birthday gift ni Kris sa sarili niya. Isang Gucci bag naman ang regalo sa kanya ng manliligaw niyang businessman.

Ani Kris, three months nang nanliligaw ito sa kanya. Getting to know each other. Five years older ito sa kanya. Ayon kay Kris, this time, kapag nagka-boyfriend siya, gusto niya’y pang-matagalan na. Ayaw na niya ng shorter relationship like before na six months to one year lang tumagal.

Handa na

Dahil 28 na siya, ani Kris Bernal, kapag may gusto siyang gawin, may say na siya ngayon. “May karapatan na akong mag-No or Yes. For the longest time, naging quiet lang ako at naging masunurin,” she said sa pocket interview with her na pinamahalaan ng GMA Artist Center.

Ayon pa kay Kris, ready na siya for daring and mature roles. Siya ang cover girl ng FHM para sa May 2017 issue nito.

Aniya, matagal na siyang inaalok maging cover girl ng naturang men’s magazine.

Tumatanggi siya dahil feeling niya,hindi pa siya handang mag-sexy pictorial. After ten years in showbiz (produkto si Kris ng “Starstruck” 2006), ani Kris, tinanggal na niya ang hiya.

Nang alukin siyang muli ng FHM, go! na siya. Nag-crash diet siya for one week before the photo shoot na kinunan sa Inflatable Island sa Subic, Zambales. Last Holy Tuesday ‘yun na ani Kris, ang daming taong nanood. Kinapalan na lang niya ang mukha niya at emote na lang siya nang emote sa bawat pitik ng kamera. Iba’t ibang swimsuits ang suot ni Kris na inabot ng six hours ang pictorial. Makikita sa inside pages ng FHM ang sexy photos ni Kris.

Inulan ng bashers/haters ang sexy photos niya. Ani Kris, nasaktan siya at iniyakan ang pamba-bash sa kanya. “Ayoko nang mag-explain. Hinahayaan ko na lang,” anang petite Kapuso star na mapapanood sa upcoming GMA Afternoon prime series, “Impostora.” Dual character si Kris bilang Nympha at Rosette.

comments