Home » News » News Roundup » Man shot dead in Tondo

Man shot dead in Tondo

Binaril at namatay ang isang 32-year-old man sa Tondo, Manila early yesterday morning.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Marlon dela Cruz ng Ylaya St.

Ayon sa imbestigasyon ng MPD, nakatayo ang biktima sa harap ng tindahan ng kanyang girlfriend sa Ylaya St. nang dumating ang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo.

Bumunot ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang biktima. Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ang biktima na ikinamatay nito.

Tumakas ang mga suspect patungong Lakandula St. Narecover ang dalawang basyo ng bala sa crime scene.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Archangel Funeral Homes sa Manila. Masusing iniimbestigahan ng police ang insidente. (Analou de Vera)

comments