Home » News » News Roundup » Tricycle driver utas sa QC

Tricycle driver utas sa QC

Tinodas ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo ang isang tricycle driver sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Quezon City Police District ang biktima na si Leonodez Gacutan Jr., 44, residente ng Diego St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa isang saksi, nakatayo ang biktima sa kanto ng Villonco St. and Commonwealth Ave. malapit sa barangay hall nang dumating ang apat na lalaking nakasakay ng dalawang motorsiklo na walang license plates at nakasuot ng helmets at black jackets.

Bumaba ang dalawa sa kanila at pinaputukan ang biktima. Bumulagta ang biktima habang tumakas ang mga suspect.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay. Narecover ang 15 basyo ng bala sa crime scene.

Inaalam na ng police ang motive ng insidente. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments