Home » Entertainment » Mike Tan respects privacy of non-showbiz girlfriend

Mike Tan respects privacy of non-showbiz girlfriend

Pagkatapos na ma-engage ng Kapuso actress na si Rich Asuncion sa kanyang rugby player boyfriend na si Benjamin Mudie, ang co-star nito sa teleserye na Ika-6 Na Utos na si Mike Tan naman ang tinanong kung kalian naman ito pakakasal?

Almost ten years na si Mike at ang kanyang non-showbiz girlfriend, pero wala pa rin silang planong magpakasal pa.

“Matanda na ako, oo, pero hindi pa sa ngayon.

“’Yun lang ang masasabi ko. Mga three to four years pa,” diin pa ni Mike.

Pero ilang beses na raw nilang napag-usapan noon ang pagpapakasal. Normal naman daw iyon sa mga magkarelasyon.

“Probably eight years ago pa, napag-uusapan na. Kapag seryoso naman kayo sa relasyon, dadating din kayo doon at pag-uusapan n’yo talaga ‘yun.

“’Yun ‘yung kinakatakot namin eh, ‘yung hindi n’yo pag-uusapan ang kasal. Saan kayo papunta? Ano ‘yung next step?

Especially sa mga babae, lagi naman ‘yang serious relationship ang hanap.

“Ayaw nila siyempre ‘yung patalon-talon pa or naghahanap pa ng ibang lalaki.

“Kailangan mong i-guarantee sa kanila or bigyan sila ng security na sila ‘yung babaeng para sa ‘yo, sila ang gusto mong pakasalan,” paniguro pa ng aktor.

Low profile raw ang relasyon ni Mike at ng kanyang girlfriend. Halos walang taga-media na nakakakilala rito. Maingat din si Mike pati na sa social media.

Mas pinili raw nila na maging private ang relasyon nila.

“It’s a choice. Kailangan mo lang din talagang panindigan ‘yung choice na ‘yun.

“Sakto lang din na ‘yung girlfriend ko, private lang din.

“Ayaw din niya na nakikita siya ng media, napapansin siya ng tao, ayaw niya ‘yun.

“Ako rin naman, ayoko kasi private life niya ‘yun eh. Hindi naman niya ‘to trabaho, bakit kailangan din siyang usisain ng iba?” pagtapos pa ni Mike Tan. (Ruel J. Mendoza)

comments