Home » Entertainment » Tommy and Miho breakup is not a mutual decision

Tommy and Miho breakup is not a mutual decision

Hindi man sinabi ni Tommy Esguerra kung sino sa kanila ni Miho Nishida ang nag-initiate na tapusin na ang isa’t kalahating taong relasyon nila, inamin ng aktor na hindi raw mutual decision ang naging paghihiwalay nila.

“It’s a one-sided decision,” sabi ni Tommy nang mag-guest siya sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Kumusta na ang puso niya? “Okay lang. Like I said, it’s a process talaga. Every breakup is always hard. It’s a hard thing to go through. You have to rediscover yourself.”

Naunang nag-guest si Miho sa Magandang Buhay noong May 5 at sinabi nitong malaking dahilan sa breakup nila ang language barrier. Kaya pagkakataon naman ni Tommy na sabihin ang kanyang side. “I don’t think it’s just one reason. It’s just a culmination of everything. We have different values and morals. I guess in the long run it wouldn’t play out well.”

May ginawa ba siyang move para ma-save ang relationship nila? “Siyempre. I was fighting for it the whole time. I fought for our relationship from the beginning to the end. But there comes a point that you’ll realize that there’s nowhere more to go from here.”

Nagkaroon ba ng pressure sa relationship dahil masyado itong naging public? “I didn’t care. For me it doesn’t matter.

I mean, people can’t tell me anything about my relationship because they don’t know everything. It could be frustrating with the bashers sometimes because you’re like, ‘What are they talking about?’”

Okay lang daw sa kanya kung ang simpatiya ng mga tao ay na kay Miho. “Because she’s going to be the one that’s gonna needed it the most. At least, I can just hold it down.”

Nararamdaman ba niya na may chance pa na magkabalikan sila ni Miho? “As of now, it’s hard because I’m emotional now and I would say no. But you’ll never know, time will tell, right? But at the moment, I don’t think so. It doesn’t feel like it.”

Naging mahirap din daw para kay Tommy na malayo sa anak at nanay ni Miho dahil naging close din daw ang mga ito sa kanya. Hindi na raw niya nakausap ang mga ito.

Paano siya nagmu-move on? “I try to keep myself busy. You try to figure out what you like again, what you like to do on your own.”

Ready na ba siya to date again? “No. I think I want time to reinvest in myself. Like work on my Tagalog and my skills, I wanna become a dancer and singer. I didn’t have time for that before.” (GLEN P. SIBONGA)

comments