Home » Entertainment » Kathryn, siya na ba ang bagong Darna?

Kathryn, siya na ba ang bagong Darna?

8kathryn copy

Wala pa ngang official announcement ang Star Cinema kung sino talaga ang gaganap bilang Darna, may violent reaction na agad ang netizens. Balita kasing diumano’y si Kathryn Bernardo ang final choice para gumanap bilang Darna.

Ang daming negative comments na hindi raw bagay kay Kathryn dahil kesyo sakang siya, walang boobs at kung ano-ano pang panlalait sa kanyang physical appearance.

Umaapela ang netizens na ibigay daw kay Liza Soberano ang role dahil mas bagay siyang gumanap bilang Darna. Umaapela rin ang fans ni Nadine Lustre na siya ang paganapin sa naturang Pinay super hero role.

Wait and see na lang sa announcement ng Star Cinema kung sino talaga ang gaganap bilang Darna.

Napamahal

Dahil sa “Encantadia,” maraming malalalim na salitang tagalog ang natutunan ni Carlo Gonzales. He plays Muros sa naturang GMA fantaserye.

Ani Carlo, maski kapag kausap niya ang girlfriend niyang si Luanne Ly, news reporter ng GMA, malalalim na tagalog ang nabibigkas niya.

Kapag sinasabihan niya ito ng sinisinta kita (minamahal, iniibig kita), kinikilig daw si Luanne.

Final week ngayon ng “Encantadia” na matatapos na sa Biyernes. Ayon kay Carlo, hindi niya makakalimutan ang project na sobrang napamahal sa kanya. Biggest role ever niya ito.

Aniya pa, nabuo ang camaraderie sa buong cast. Lahat ay nagpakita ng professionalism.

Dahil napamahal sa kanya ang fantaserye ay nagpa-tattoo pa si Carlo ng Enchan words sa kanyang tagiliran.

Malapit na

Kung sinabi ni direk Ricky Davao na better actress si Janine Gutierrez sa kanyang mommy Lotlot de Leon, hindi nagpakabog ang huli sa aktingan sa kanyang anak sa “Magpakailanman.” Tampok ang mag-ina sa Mother’s Day episode noong nakaraang Sabado.

Parehong magaling sina Lotlot at Janine na gumanap bilang mag-ina. Napanood kaya ‘yun ni direk Ricky Davao na direktor ni Janine sa “Legally Blind”?

Nakakatawa ang Instagram post ni Janine showing her dog Punch. Baka raw pwedeng ito na lang ang maging guard niya at pwedeng gantihan ang karakter ni Marc Abaya (William) sa “Legally Blind.”

Sinasamahan daw kasi siya ng dog niya sa gym. Pinag-wo-work out din niya ito para sa fight scenes. Mukhang malapit nang malaman ni Grace (Janine) ang tunay na pagkatao ni William.

comments