Home » Entertainment » ‘Never naging kami ni Aljur’ – Kris Bernal

‘Never naging kami ni Aljur’ – Kris Bernal

Kris Bernal

Kris Bernal

“Never naman naming inamin ni Aljur (Abrenica) na naging kami. Love team lang kami noon. Friends,” paglilinaw ni Kris Bernal nang nakausap namin kamakailan.

Na-link sila noon na marami ang nag-akalang reel-and-real love team sina Aljur at Kris. Lingid sa kaalaman ng iba’y si Rich Asuncion ang real life girlfriend ni Aljur. Hindi nila maamin noon ang kanilang relasyon dahil pinoprotektahan ang love team nina Aljur at Kris. Girlfriend sa dilim noon si Rich na engaged na ngayon kay Benj Mudie.

Soon-to-be father naman si Aljur. Manganganak ang girlfriend niyang si Kylie Padilla this July. Baby boy ang isisilang ni Kylie.

Ani Kris, kamakailan ay nagkita sila ni Aljur. Masayang-masaya ang aura nito habang magkausap sila. Sinabi raw sa kanya ni Aljur na mahal na mahal nito si Kylie. Kung bubuo raw ito ng pamilya, gusto niya with Kylie.

“I’m happy for Aljur,” sabi ni Kris. “Nakita ko ’yung happiness at excitement sa mukha niya sa nalalapit na pagiging tatay niya. I wish him and Kylie good luck na magiging parents na sila. Magiging pamilya na sila. ”

Payag ba siyang maging ninang ng anak ng mga ito? “Why not? Kung kukunin nila ako. Hindi ako tatanggi,” wika ni Kris.

comments