Home » Entertainment » Joreen, new Miss Saigon

Joreen, new Miss Saigon

Isang certified theater and music lover ang 17-year old na si Joreen Bautista na napili bilang bagong Kim sa restaging ng musical na Miss Saigon sa London ngayong taon.

Kabilang na si Joreen sa mahabang listahan ng mga Pinay actress na gumanap sa celebrated role as Kim in Miss Saigon na unang ginampanan ni Lea Salonga in 1989.

Ang mga sumunod na Kim ay sina Monique Wilson, Jenine Desiderio, Ma-Anne Dionisio, Jamie Rivera, Ima Castro, Caselyn Francisco, Joanna Ampil, Riva Salazar, Renee Montemayor, Roanne Monte, Tanya Manalang, Miriam Marasigan, Carla Guevara, Leila Florentino, Maya Barredo, Joan Almedilla, Julia Abueva, and Eva Noblezada.

Ayon pa kay Joreen, wala siyang professional training sa theater kaya hindi siya makapaniwala na siya ang napili para maging bida sa Miss Saigon.

Ang pinaka-experience lang daw ni Joreen sa pag-arte sa mga ginagawa nilang school productions.

“Nakita ko po ‘yung auditions ng Miss Saigon so I tried it for exposure and for experience.

“My hands were shaking when they handed me the pink slip for a callback. I was really excited,” kuwento pa ni Joreen na taga-Angeles, Pampanga.

Pinost pa ni Joreen sa kanyang Instagram account ang pakiki-pag-meet niya sa original Kim na si Ms. Lea Salonga.

Nagbigay pa ng mahalagang advice si Lea kay Joreen para sa pagganap nito bi-lang Kim.

“Lea said it’s going to be a good experience but her advice is to talk to my leading man.

“Kausapin ko raw po si Chris para ma-settle lang din po ‘yung limitations and boundaries,” ngiti pa niya.

Nagsimula na si Joreen ng rehearsals for Miss Saigon in London. Isang taon siya doon at magkakaroon pa ito ng tour sa bansang Ireland.

Ang makakasama niyang Pinoys sa cast ay sina Gerald Santos as Thuy at Red Concepcion as the Engineer.
(Ruel J. Mendoza)

comments