Home » Entertainment » Lovi, ayaw pang umaming may foreigner boyfriend

Lovi, ayaw pang umaming may foreigner boyfriend

Lovi Poe

Umani ng maraming likes sa social media ang lumabas na picture na magkakasama sina Ms. Susan Roces, anak niyang si Senator Grace Poe-Llamanzares at stepdaughter niyang si Lovi Poe. Nagkita ang tatlo sa isang event na ginanap kamakailan sa isang bar sa BGC (Bonifacio Global City).

Launching ‘yun ng isang brand ng relo na business ng anak ni Senator Grace na si Brian Poe-Llamanzares. Inimbita ni Brian ang kanyang tita Lovi na kasama nitong duma-ting ang rumored boyfriend na si Chris Johnson.

Pinasalamatan ni Brian ang kanyang tita Lovi and her foreigner boyfriend. Kahit ayaw pang aminin ni Lovi na officially together na sila ni Chris, halata namang may relasyon sila.

Ang pakiyeme ni Lovi, enjoy lang sila kung anuman meron sila. Ayaw niyang lagyan ng label. Kesyo, focused muna siya ngayon sa kanyang career.

Ang inaabangan at marami ang nag-re-request na pagsamahin sa isang project (TV or movie) sina Ms. Susan at Lovi.

comments