Home » Entertainment » Sharon, used and abused

Sharon, used and abused

1sharon instagram copy

Ang haba ng post ni Sharon Cuneta sa social media tungkol sa pinagdaraanan niya. Nilinaw niyang walang kinalaman ang lumabas na picture ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan na diumano’y ka-holding hands si Senator Risa Hontiveros.

Itinanggi ng megastar na may namamagitang affair sa dalawa. Gawa-gawa lang daw ‘yun ng mga taong gusto manira ng relasyon.

Kaugnay ng biglaang pag-alis niya sa Pilipinas, ani Sharon, the past few weeks ay dalawang taong mahal niya ang nawala. Nagkasakit ang paborito niyang auntie.

Na-move sa September this year ang shooting ng movie niya sa Star Cinema. May malaki siyang pagkakautang dahil sa isang investment. “I have no one in the world to help me,”aniya.

Nagkapatung-patong ang mga hindi magandang pangyayari sa buhay niya, kaya umalis siya ng Pilipinas. Kailangan niya ng breather. Pagod na siya. Kailangan niya ng pahinga.

Ani Sharon, she has been taken advantage of, used and abused. Parati na lang daw siya ang nag-gi-give at halos sila lahat ay “si take.” Sinu-sino kaya ang mga taong ‘yun?

Engaged na

Engaged na rin sina Max Collins at Pancho Magno. Ipinost nila sa social media ang diamond engagement ring na ibinigay ni Pancho kay Max.

Noong huli naming nakausap si Pancho sa taping ng “Encantadia” ay sinabi niyang wala pa silang balak magpakasal ni Max. Bata pa raw ito (she’s 24 years old). Pero siya (Pancho) ay ready anytime na pakasalan si Max. He’s 30 years old.

Inilihim lang muna marahil ni Pancho ang balak niyang mag-propose ng kasal kay Max nang huli siyang makausap ng press.

Hayan at sila na rin ang nag-announce sa pamamagitan ng social media. Four years na together sina Pancho at Max.

Abang-abang na lang kung kailan at saan ang kanilang kasal.

Samantala, magtatapos na ngayong Biyernes ang “Encantadia” kung saan gumaganap si Pancho bilang Hitano.

Crush

Slowly but surely siguro ang moves ni Rayver Cruz sa diskarte niya kay Janine Gutierrez. Mukhang ayaw padala sa tukso ni Rayver kahit marami ang nag-pu-push na ligawan niya ang star ng “Legally Blind.”

Ani Rayver, crush niya si Janine. Pero hindi niya ito nililigawan. Enjoy lang muna sila sa kanilang friendship. Hindi kaya pinapakiramdaman lang muna ni Rayver kung ano’ng magiging tsansa niya sakaling ligawan niya si Janine?

comments