Home » Entertainment » Aktres, 3 months pregnant

Aktres, 3 months pregnant

PUNO ng pagmamahal at suporta ang mensahe ni Senator Kiko Pangilinan para sa asawa niyang si Sharon Cuneta na kanyang ipinost sa social media.

Anang senador, hindi man niya malunasan ang mga pinagdaraanan nitong problema, parati siyang handang damayan ito sa lahat ng oras.

Kung kailangan daw ni Sharon ng mga balikat na masasandalan at yakap ng kanyang mga bisig, ‘andoon lang siya for her.

Tinawag niya ang megastar na his partner, best friend, nag-iisang babae na mamahalin niya with all his heart and soul.

“Without you, I would not be the father I am to our precious children and for this I will forever be thankful,” bahagi pa ng mensahe ni Sen. Kiko para kay Sharon.

Malaking palaisipan sa madlang pipol ang mga emote ni Sharon sa social media. Nagdarasal at umaasa ang mga taong concerned at nagmamahal sa kanya na nawa’y malampasan niya kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon.

Pregnant

Three months pregnant si Michelle Madrigal, courtesy ng boyfriend niyang si Troy Woolfolk. Former football player ito sa US.

Pinost ni Michelle sa social media ang picture ng kanyang ultra-sound na aniya, she’s due to give birth this November. Nag-post din si Michelle ng kanyang baby bump.

Sa kanyang paglilihi, nakakaranas siya ng nausea, morning sickness at pagsusuka. Nag-bed rest siya for one month.

Michelle’s older sister Ehra Madrigal ay ikinasal naman last March this year kay Tom Yeung, isang Chinese national.

Naging boyfriend ni Michelle si JC de Vera na mukhang tahimik ngayon ang lovelife.

Nagkita na kaya?

Manganganak na si Kylie Padilla this July sa baby boy nila ni Aljur Abrenica. Pero wala pang balita kung nagkita at/o nagkausap na sina Aljur at Robin Padilla, Kylie’s daddy.

Sa past interviews kay Aljur, sinasabi niyang humahanap lamang siya ng right timing para kitain at kausapin si Robin.

Baka naman hinihintay pa ni Aljur makapanganak si Kylie?

Samantala, sang-ayon ang fans and supporters ni Robin sa balitang diumano’y tinanggihan niya ang role bilang Lizardo sa dapat sana’y pelikulang pagsasamahan nila ni Coco Martin, ang “Panday.”

Anila, bukod sa kontrabida role, lalabas na support lang si Robin kay Coco.

comments