Home » News » News Roundup » Beautician dedo sa pamamaril

Beautician dedo sa pamamaril

Patay ang isang beautician nang pagbabarilin ng isang armadong lalaki sa Quezon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ng police ang biktima na si “Franceng,” nasa 30-35 and edad.

Nakita siyang patay sa piggery ng kaniyang kapitbahay sa Bicol Extension, Group 3, Barangay Payatas, dakong 5:30 a.m.

Sinabi sa police ni Juanito Valero Sr., kapitbahay ng biktima, na nagising siya nang marinig niya ang kaguluhan sa labas ng bahay.

Nang dumungaw siya sa bintana para alamin ang nangyari, nakita niya ang biktima na nakahandusay at patay sa piggery. Na-recover ng police sa crime scene ang tatlong slugs ng bala.

Sa balakang binaril ang biktima, ayon sa police report. Napag-alaman ng mga imbestigador na kilalang beautician si Franceng sa kanilang lugar.

Inaalam pa ng police tunay niyang pangalan at ang motibo ng pagpatay sa kanya. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments