Home » Entertainment » Maxene wants to get married here

Maxene wants to get married here

18Maxene Magalona and Robby Mananquil copy

Gusto pala ni Maxene Magalona na dito sa Pilipinas siya maikasal sa kanyang fiance na si Robby Mananquil, kahit pa nagiging trend ngayon ang celebrities na nagpapakasal sa ibang bansa. Engaged na si Maxene matapos mag-propose si Robby noong Pebrero sa Japan.

“Since I still want my dad kahit papaano to be part of the wedding, and feeling ko dahil nandito siya at dito siya nakalibing, gusto ko dito talaga,” sabi ni Maxene sa interview ng ABS-CBN News.

Ang tinutukoy ni Maxene ay ang amang Master Rapper na si Francis Magalona, na namatay noong March 6, 2009.

Nang matanong tungkol sa kanyang wedding preparations, inamin ng aktres na hindi pala ito madali. “Talagang na-confirm ko na hindi ko kayang i-handle ang stress all too well. Pero natututo naman and I want to treat this as a venue for learning para mas matuto ako, mas tumanda, at mas mature. It’s a very humbling experience kasi ang dami talagang isipin, planuhin – it will really help prepare you for married life.”

Samantala, pinabulaanan ni Maxene na iiwan na niya ang kanyang showbiz career kapag nag-asawa na siya. “Nothing is going to change. He will always be the supportive partner that I’ve always had and I’m just super lucky to be with him.” (Glen P. Sibonga)

comments