Home » Entertainment » Dennis at Jennylyn, magkasunod nag-celebrate ng bdays

Dennis at Jennylyn, magkasunod nag-celebrate ng bdays

dennis-and-jen-foto-copy-copy

Magkasunod ang birthday celebrations nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Nagdiwang ng kanyang 36th birthday si Dennis on May 12 at isang simple celebration lang with his family and friends ang naganap sa bahay nina Dennis.

Nag-dinner sila, kasama ang girlfriend niyang si Jennylyn with her dad and son Alex Jazz (courtesy of Patrick Garcia). Present din sa party ni Dennis ang anak niyang si Calix. Si Carlene Aguilar ang nanay ng bagets.

May 15 naman ang 30th birthday ni Jennylyn. May 14 ginanap ang party sa La Reve Events Place sa QC. Luau pool party ‘yun na dinaluhan ng family and friends ni Jen with Dennis, of course.

Kinagabihan, ginanap naman ang rave party sa naturang venue pa rin.

Marami ang nagtatanong, lalo na ang DenJen fans nina Dennis at Jennylyn kung kalian naman daw kaya ang kanilang kasal? ‘Yun na lang ang kulang sa kanilang relasyon. Mistulan silang honeymooners sa travels nila together here and abroad.

comments