Home » Entertainment » Mag-inang aktres, may tampuhan pa rin

Mag-inang aktres, may tampuhan pa rin

19vice copy

HINDI isyu sa Kapamilya at Kapuso stars ang network war. Sa katatapos na 48th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ay magkakasama sa isang dressing room ang ilang Kapamilya at Kapuso stars.

Nagpa-picture together pa sina Alden Richards at Vice Ganda na ang caption ng huli’y “Ang guapo, s….t!” with matching, kilig-kiligang emojis.

May picture rin na magkasama sina Alden at Kim Chiu na marami ang nabagayan sa kanila. They look good together at sana raw ay magkasama sa isang project ang dalawa.

Posible naman ‘yun dahil nagpapahiram ang GMA7 ng kanilang talents sa ABS-CBN. Nakagawa na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ng magkahiwalay na pelikula sa Star Cinema, movie arm ng ABS-CBN.

Tampuhan

Kahit may tampuhan pa sina Nora Aunor at Lotlot de Leon, naalaala pa rin ni Lotlot ang kinikilala niyang ina noong nakaraang Mother’s Day. Nag-post si Lotlot sa social media ng lumang picture nila ni Nora noong bata pa siya (Lotlot).

Nakakandong si Lotlot kay Nora, nakatingala na tinitingnan ang superstar habang mine-make-upan ito na ang caption, “Forever grateful. I will always love you.”

Maraming taon na ang itinatagal ng tampuhan ng mag-ina. Mukhang malalim ang pinag-ugatan. Bakit kaya hindi magawang mag-effort ni Lotlot na maayos nilang mag-ina kung anuman ‘yun?

Hanggang kailan kaya siya makikipagtikisan sa kinagisnan niyang ina? Mas mainam kung ‘yung caption ni Lotlot sa ipinost niyang picture nila ni Nora ay isagawa at ipadama niya ang kanyang pagmamahal sa superstar. Life is short, ‘ika nga.

Birthday ni Nora on May 21. Best time para makipagbati na si Lotlot sa kinikilala niyang ina. Magagawa kaya ‘yun ni Lotlot?

Farewell episode

Hindi gaanong nakapasyal sina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa Vancouver, Canada noong nag-show sila roon last week.

Limitado kasi ang oras nila at ilang araw lang sila namalagi roon at balik-Pilipinas agad sila. May taping pa kasi silang “Encantadia” na farewell episode tonight.

Abangan kung ano’ng mangyayari sa karakters nila bilang Aquil at Danaya. Excited din ang GabRu fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia kung ano’ng mangyayari sa karakters nila bilang Ybarro at Alena.

Tutok lang sa mga kaganapan sa pagtatapos tonight ng “Encantadia.”

comments