Home » Entertainment » Eugene is Weekend Queen

Eugene is Weekend Queen

eugene-domingo-copy-copy

Kung meron man dapat tawagin na Kapuso Weekend Queen, ito ay walang iba kundi ang award-winning comedienne and host na si Eugene Domingo.

Dahil magkasunod na araw ng Sabado at Linggo ay may show si Uge.

Magsisimula na sa June 3 ang pagbabalik ng all-original at award-winning Pinoy game show na “Celebrity Bluff”.

Sa muling pag-host ni Uge ng naturang show, makakasama na niya bilang isa sa mga Bluffers ay si Edu Manzano. Kasama rin si Boobay at ang One Up Boys.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama ni Uge si Edu sa isang TV show.

“Never pa kami nagkakasama talaga ni Doods. Noon sa movie na ‘Tanging Ina’, may guest role lang siya doon. Tapos nagkakasama kami sa ilang mga showbiz events.

“Natural na komedyante si Doods. At perfect sa kanya na maging isa sa bluffers ng show kasi napapaniwala niya ang contestants sa mga sinasabi niya.

“Kaya ang contestants, aligaga kung nagba-bluff ba si Doods or nagsasabi siya ng fact.

“Magaling siyang manlinlang, but at the same time, marami siyang alam sa mga trivias.

“Nakakatuwa at masaya ako na nakuha namin si Mr. Edu Manzano sa show namin,” ngiti pa ni Uge.

Tuwing Sunday naman ay patuloy ang pag-arangkada ng comedy anthology na “Dear Uge” na nagbibigay ng mga kakaibang kuwento na pang-good vibes.

“Sa “Dear Uge” kasi, we experiment not just sa mga stories, but with the artistas na lalabas sa episode.

“Dito lang sa “Dear Uge”, mapapanood nila ang mga artista na nagku-comedy at nakakagulat kasi different side ng pagiging artista nila ang napapanood natin,” diin pa ni Uge.

Wala naman daw magiging problema sa schedule ni Uge dahil same team of writers ang “Dear Uge” at “Celebrity Bluff”.

“Kaya wala akong pangamba kasi same people are working on two shows. Kaya alam kong maaalagaan nila ang parehong shows. Ang maganda kasi, may team work,” pagtapos pa ni Eugene Domingo. (Ruel J. Mendoza)

comments