Home » Entertainment » Nikki Co: From basketball to Kapuso heartthrob

Nikki Co: From basketball to Kapuso heartthrob

FIRST dream ng Kapuso heartthrob at member ng One Up na si Nikki Co ang maging isang PBA player.

Pero dahil sa isang knee operation, nag-iba ang mga plano ni Nikki at ang pag-aartista ang kanyang nahiligan.

Kasalukuyang napapanood si Nikki sa GMA primetime teleserye na “Meant To Be”. Semi-regular naman ang grupo niya na One Up boys sa morning show na “Unang Hirit”. At starting June 3, kasama din ang grupo nila sa nagbabalik na all-original Pinoy game show na “Celebrity Bluff”.

Produkto ng “Starstruck 6” ang 20-year old na si Nikki at umabot lang siya hanggang Top 18.

“Before Starstruck, nag-audition din po ako before sa ‘Pinoy Big Brother’. Nakatatlong call backs ako noon, hanggang sa wala na.

“I tried my luck with ‘Starstruck 6’ at kahit paano ay umabot ako sa Top 18.

“After naman po no’n, maraming projects ang dumating. Enjoy po ako sa ‘Meant To Be’ kasi I get to be a kontrabida na bagay daw po sa akin,” ngiti pa niya.

Sa De La Salle University nag-aaral si Nikki ng kursong computer science bago siya maging aktibo sa showbiz. Naka-leave of absence daw muna siya

dahil sa hectic schedule niya.

“I still have two more years to go sa course ko po. Kesa sa bumagsak ako because of my absences, nag-LOA muna ako. Para may chance pa na makabalik ako to finish my course. (Ruel J. Mendoza)

comments