Home » News » News Roundup » Robbery suspect shot dead

Robbery suspect shot dead

Patay ang isang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan ito sa mga sumitang police sa Tondo, Manila kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Manila Police District, nagpa-patrol ang mga operatiba ng Algue Police Community Precinct sa kanto ng Jose Abad Santos Ave. and Sanchez St. dahil sa talamak na nakawan sa lugar ng mapansin ang dalawang kahinahinalang lalaki na nakasakay ng motorcycle.

Sinita ang dalawa at bumunot ng baril ang nakasakay sa likod at tinangkang paputukan ang mga police. Nagpaputok ang mga police at tinamaan ang backrider at nahulog sa motorcycle. Ang hindi pa nakikilala ang backrider ay tinatayang 40- to 45-years-old, 5’4” to 5’6” tall, and wearing blue shirt and denim pants.

Mabilis na tumakas ang kasama ng suspect na dinala sa hospital kung saan siya idineklarang patay. (Analou de Vera)

comments