Home » Entertainment » Jennylyn Mercado, mag-aasawa after 5 years

Jennylyn Mercado, mag-aasawa after 5 years

Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado

Malungkot ang Mother’s Day celebration ni Jennylyn Mercado dahil unang taon na hindi niya kapiling ang adoptive mother niyang si mommy Lydia. Pumanaw ito a few months ago na labis na dinamdam at ikinalungkot ni Jen.

Hindi niya napigilang mapaluha nang tanungin siya ng isang reporter sa presscon ng “My Love from the Star” tungkol kay mommy Lydia. Ani Jen, sobrang nami-miss niya ito. All her life ay si mommy Lydia ang nakasama niya.

Kaya nagdesisyon si Jen na sunduin ang kanyang biological father na si Noli Pineda sa Korea para magkasama silang mag-ama sa kanyang bahay. Kasama niya si Dennis Trillo pumunta sa Korea noong nakaraang Holy Week.

Ani Jen, wala namang masyadong adjustments sa kanilang mag-ama. Mabait ito at kasundo rin ng anak niyang si Alex Jazz. Madali ring naka-vibes ni Dennis ang daddy ni Jen, lalo pa’t parehong mahilig sa music ang dalawa. Dating miyembro ng isang banda ang daddy ni Jen.

Matipid naman magsalita ang bida ng “My Love from the Star” kapag tungkol sa relasyon nila ni Dennis ang itinatanong. Asked kung kailan sila magpapakasal, ani Jen na ewan kung joke or serious, after five years, gusto niyang mag-asawa.

She just turned 30 on May 15, 36 naman si Dennis on May 12. (Rowena Agilada)

comments