Home » Entertainment » Bea Binene: ‘I want to be daring but not bold!’

Bea Binene: ‘I want to be daring but not bold!’

12bea-binene-copy-copy

NAGPAKA-DARING ang Kapuso actress na si Bea Binene sa suot niyang gown noong grand press launch ng GMA Primetime telefantasya na “Mulawin Vs. Ravena”.

First time daw niya to go braless sa suot niyang purple gown at nipple gel covers lang daw ang nakatakip sa kanyang boobs.

Dahil first time daw na hindi magsuot ng bra, kabado daw si Bea at baka raw biglang matanggal ang nakatakip sa kanyang boobs.

“Kaya nga po dahan-dahan pa ako noong una, kasi baka nga biglang naglalakad na ako na wala na palang takip ang mga ito!” tawa pa ni Bea.

Si Bea raw ang pumili ng suot niyang gown noong gabing iyon. Marami raw pinakita sa kanya ang stylist, pero pinaka-safe na raw sa kanya ‘yung napili niya.

“Mas sexy at mas daring ‘yung ibang pinakita sa akin. Talagang low-cut sa harapan.

“Pinili ko ito kasi kahit na hindi ako mag-bra, malalagyan naman ng takip itong harapan ko.

“Parang try ko naman maging daring for a change.

“Nakaka-conscious, sa totoo lang. Pero iba ang feeling!,” ngiti pa niya.

Hindi naman daw ito ang simula ng pagkakaroon ng sexy image ni Bea.

“Grabe naman. Hindi lang ako nag-bra today, sexy na agad?

“I want to be daring, but not bold. Puwede ka naman maging daring without showing too much skin.

“Attitude lang daw ang kailangan to be daring,” diin pa ni Bea.

Ang pinaka-sexy na kayang gawin ni Bea ay ang mga photos na naka-post sa kanyang social media account.

Hindi pa raw niya kaya ang maging cover girl ng men’s magazine.

“Hanggang sa pagsuot lang ng two-piece sa beach ang kaya ko sa pagiging daring. Di ko pa keri ang mga Tulad ng FHM.

19-years old pa lang ako. Maghintay na muna sila ng ilang taon pa!”

Sa “Mulawin Vs. Ravena” ay gagampanan ni Bea ang role na si Anya, isang half-human at half-Mulawin.

Katambal niya rito si Derrick Monasterio as Almiro at ka-love triangle nila si Kiko Estrada as Rafael.
(Ruel J. Mendoza)

comments