Home » News » News Roundup » Binatilyo binaril sa computer shop

Binatilyo binaril sa computer shop

Patay ang isang 17-taong gulang na binatilyo nang barilin sa ulo ng isang hindi kilalang lalaki habang naglalaro sa loob ng isang computer shop malapit sa kaniyang bahay sa Tondo, Manila, noong Lunes ng hapon.

Binawian ng buhay si Marvin Galicio, residente ng Gate 18, Parola Compound, habang nilalapatan ng lunas sa ospital.

Tumakas ang suspek kasama ang isa pang lalaki na tumayong lookout sa pamamaril na naganap bandang 5:30 p.m.. Patuloy ang imbestigasyon ng police para matukoy ang suspek at malaman kung ano ang motibo ng pagpatay.
(Jaimie Rose R. Aberia)

comments