Home » Entertainment » Jackie Rice, BF na-fall out of love

Jackie Rice, BF na-fall out of love

24jackie instagram copy copy

BREAK na si Jackie Rice and her non-showbiz boyfriend of six years. Naging business partners pa sila sa isang restaurant somewhere sa QC.

Nakausap si Jackie ng entertainment writers sa presscon ng “May Love from the Star” na aniya, walang third party sa hiwalayan nila ng kanyang boyfriend. Na-fall-out of love sila sa isa’t-isa.

“Walang forever,” sambit ni Jackie na aniya pa, naka-move on na siya. Tanggap niyang not meant to be sila ng ex-BF. Hindi muna siya nag-e-entertain ng suitors at focus muna siya ngayon sa kanyang career.

Produkto si Jackie ng “Starstruck 3” na aniya, nag-join siya dahil idol niya si Jennylyn Mercado, first Starstruck female survivor. Gusto niyang tularan ang mga nangyari kay Jen.

Flattered at thankful naman si Jen na aniya, huwag naman sanang gayahin ni Jackie lahat ng nangyari sa kanya. ‘Yung mga positive na lang at huwag na ‘yung mga hindi magandang nangyari sa kanya noon.

Magkasama sina Jen at Jackie sa “My Love from the Star” where they play Steffi and Lucy respectively. Isang sikat na artista si Jen at kaibigang artista niya si Jackie na parating supporting roles ang naitotokang gampanan. Sisikat din si Lucy at magiging magkaribal sila ni Steffi.

comments