Home » Entertainment » Jason Abalos inakusahan ng sexual harassment

Jason Abalos inakusahan ng sexual harassment

24jason instagram copy

NAHAHARAP sa kontrobersiya ngayon si Jason Abalos. Inakusa-han siya ng online sexual harassment ng isang La Salle student. Balitang diumano’y, pinag-iisipan ng pamilya ng 18-year old student na magsampa ng demanda laban kay Jason.

Nananatiling tahimik si Jason sa isyu. Ini-off niya ang comments section ng kanyang Instagram account. Sa IG naman ng girlfriend niyang Fil-British former beauty queen na si Vickie Rushton pumapasok ang comments ng netizens. Ito ang kanilang ginugulo.

May mga nagpayo pa na humanap na lang si Vickie ng ibang guy dahil hindi raw niya deserve ang isang unfaithful boyfriend. Balitang diumano’y in-unfollow na ni Vickie si Jason sa IG.

May mga hindi naman naniniwala sa akusasyon laban kay Jason. Hindi kamukha ng aktor ang screen shot na pinost ng girl.

comments