Home » Entertainment » Malaking hamon kay Dennis

Malaking hamon kay Dennis

24Dennis Trillo copy copy

Nagsimula nang umere noong Lunes (May 22) ang “Mulawin Vs. Ravena”. Star-studded ito na pinangungunahan ni Dennis Trillo. Ayaw niyang isipin na siya ang pinakabida rito na aniya, team effort sila ng cast.

Big challenge ito sa Kapuso Drama King na aniya pa, sinabihan niya ang kanyang manager na huwag munang tumanggap ng ibang project for him dahil gusto niyang mag-focus sa MVR. Sequel ito at kasama rin si Dennis sa original version kung saan gumanap siya bilang Gabriel. The same role ang ibinigay sa kanya sa sequel nito, kaya nagustuhan niya.

Ratings-wise, ayaw pa-pressure ni Dennis dahil ang pinalitan nilang “Encantadia” ay mataas ang rating mula umpisa hanggang katapusan nito. Ani Dennis, malaki ang tiwala niya sa directors nilang sina Dominic Zapata at Don Michael Perez, sa buong production staff and his co-actors na tulung-tulong silang lahat para mapaganda ang kanilang fantaserye.

Pleasant

Like Dennis Trillo, may bago ring project si Jennylyn Mercado sa GMA7. Sa May 29 naman ang pilot telecast ng “My Love from the Star” where she plays Steffi Chavez, isang sikat na artista.

Ang newbie at ramp model na si Gil Cuerva ang leading man ni Jen na kahit nine years ang kanilang age gap, Jen is 30 years old, 21 naman si Gil, may screen chemistry sila.

Cheap kung magkaka-romantic angle para lang maipromote ang kanilang show. Hindi kapani-paniwala dahil off-camera, may Dennis Trillo si Jen. May non-showbiz girlfriend naman si Gil.

May bagong mamahalin ang madlang pipol, pati ang press. Very pleasant ang dating ni Gil. Walang angas magsalita, hindi maporma. Kaya naman, agad siyang kinagiliwan ng entertainment writers noong presscon ng “My Love from the Star.”

Palaban na

Puring-puri ng GMA big bosses si Janine Gutierrez. Mabait daw ito, very professional, walang reklamo sa trabaho. Kaya naman, hindi nawawalan ng project si Janine.

Pinupuri rin ang acting niya sa “Legally Blind.” Natutuwa ang fans and supporters ni Janine na palaban na ang karakter niya bilang Grace kay Lauren Young (Charie).

Nalaman na ni Grace na si William (Marc Abaya) ang kanyang rapist. Ayaw maniwala ni Charie at nag-away na naman sila ni Grace.

comments