Home » Entertainment » Nyoy Volante hoping and praying for a child

Nyoy Volante hoping and praying for a child

24nyoy instagram copy copy

HINDI raw nagmamadali si Nyoy Volante na magkaroon ng sarili niyang anak sa kanyang stage actress wife na si Mickie Bradshaw, kahit pa mahigit isang taon na silang kasal. May anak na kasi si Mickie nang pakasalan siya ni Nyoy, ang daughter nilang si Sofie. Siyempre gusto rin ni Nyoy na magkaroon ng kapatid si Sofie mula sa kanyang dugo’t laman.

“You know what, it happens when it happens. We’re not in a hurry, but also we wanted it to happen na. So, it’s just a matter of us being in the right chance, siguro ’yung tamang timing lang, because we wanted it na. Siguro hindi pa lang hinahayaan (ng tadhana). And hindi naman namin hinihindian ’yung mga blessings. Even if I’m busy, I think I will be okay. But if she is busy, ’yun ang mahirap e,” sabi ni Nyoy.

Busy rin kasi si Mickie sa career nito sa teatro, singing, at hosting. Ang concern din ni Nyoy ay mas na kay Mickie dahil ito nga naman ang magbubuntis.

Kung may choice siya, boy o girl ba ang gusto niyang first born? “Boy sana, kasi we have a girl na e.”

Samantala, excited na si Nyoy at maging ang asawa niya sa bagong musical na pagbibidahan ng singer-actor. Ito nga ang Broadway hit na “Kinky Boots”, na nanalo ng anim na Tony Awards kasama na ang Best Musical. Tampok din dito ang Tony-winning score at music ng 80’s pop superstar na si Cyndi Lauper.

Ang “Kinky Boots” ang kasunod niyang musical matapos ang “Jersey Boys”. Gagampanan ni Nyoy ang role ni Simon/Lola, isang drag queen at cross dresser.

Makakasama ni Nyoy sa cast sina Laurence Mossman, Yanah Laurel, Tricia Canilao at marami pang iba. Handog ng Atlantis Theatrical Entertainment Group at sa direksyon ni Bobby Garcia, ang “Kinky Boots” ay mapapanood simula sa June 30, 2017 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati. (Glen P. Sibonga)

comments