Home » News » News Roundup » Pagpatay sa prosecutor kinondena

Pagpatay sa prosecutor kinondena

Kinondena kahapon ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang pagpaslang kay Caloocan City Assistant Prosecutor Diosdado Azarcon sa tapat ng kaniyang bahay noong Lunes.

Dalawang nakamotorsiklong lalaki ang bumaril at nakapatay kay Azarcon sa harap mismo ng kaniyang inuupahang bahay sa Galauran St., Barangay 63, 9th Avenue, Caloocan, dakong 7:35 a.m.

Sinabi ni Malapitan na sisiguraduhin niyang makukulong ang mga taong nasa likod ng pagpatay kay Azarcon. “We condemn this cowardly act of permanently silencing a prosecutor.

If this has got something to do with his job of filing cases in court, this tragedy will not deter us to perform more diligent initiatives to capture criminals,” sabi ni Malapitan.

“We will see justice for his untimely death,” dagdag pa niya. Sinabi ni Nolan Sison, Caloocan Public Information Office (PIO) head, na nabanggit sa kanila ni Chief Prosecutor Ferdinand Balbuena sa isang anti-drug meeting na nakakatanggap sila ng death threats.

“He told us that they received many death threats because they do not want to accept the bribes from nabbed drug personalities,” pahayag ni Sison.

“We learned from Balbuena that in March the prosecutor’s office in Caloocan was handling 155 drug cases; and in April, 170 drug cases,” ayon pa kay Sison. (Jel Santos)

comments