Home » News » News Roundup » Mister sinaksak ni Misis

Mister sinaksak ni Misis

Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang isang 41-taong gulang na construction worker matapos siyang saksakin ng kaniyang misis sa kainitian ng kanilang pagtatalo sa loob ng kanilang tahahan sa Tondo, Manila, Martes ng hapon.

Isinugod si Jonathan Mapa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center nang masaksak siya sa dibdib ng kaniyang kabiyak na si Normelita, 44, ayon sa police.

Sinabi ng mga imbestigador na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa dahil sa kanilang mga bayarin sa loob ng kanilang bahay sa GK Compound, Barangay 105, bandang 1 p.m.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, kumuha ng kutsilyo si Normelita at isinaksak sa dibdib ng asawa. Mabilis na tumakbo palayo si Normelita habang isinugod ng mga kamag-anak ang asawa sa ospital.

Sa kabila ng insidente, sinabi ni Jonathan sa police na wala siyang intention na mag-file ng kaso laban sa kaniyang asawa. (Analou De Vera)

comments