Home » News » News Roundup » Nigerian tiklo sa online scam

Nigerian tiklo sa online scam

Inaresto ng National Bureau of Investigation agents (NBI) ang isang Nigerian national na umano’y sangkot sa isang online scam.

Kinilala ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin ang suspek na si Joseph Kamano na may alias na Saiyd Barkat at Henry Soma.

Nadakip si Kamano ng NBI Cyber Crime Division (CCD) sa isang entrapment operation na isinagawa sa isang coffee shop sa Robinsons mall sa Malate, Manila, noong Martes.

Nahuli ang Nigerian sa aktong tinatanggap ang R240,000 cash mula sa kaniyang biktima na nakumbinsi niyang mag-invest sa isang negosyo. Sasampahan siya ng kasong estafa sa Office of the Prosecutor of Manila. (Jeffrey Damicog)

comments