Home » Entertainment » Nora kailangan nang operahan

Nora kailangan nang operahan

nora-aunor-copy-copy

NAG-CELEBRATE ng kanyang 64th birthday si Nora Aunor noong May 21 sa isang venue sa QC na pinamahalaan ng kanyang fans.

Ayon sa balita, nakisaya sa selebrasyon ang mga anak-anakan ni Nora na sina Kenneth at Matet de Leon with her husband and children. Hindi naiulat kung naroon din ang iba pa niyang anak na sina Ian, Lotlot at Kiko.

Magandang pagkakataon na sanang magkita at magkaayos ang mag-inang Nora at Lotlot kung nag-effort ang huli na pumunta sa birthday celebration ng kanyang ina. Baka naman, tinext o tinawagan ni Lotlot si Nora.

Sa mga lumabas na pictures ng superstar sa social media, simple lang ang get-up niya. Naka-polo at pantaloon lang siya, no make-up.

Sa FB posts, may speech si Nora. Pinasalamatan niya si Daniel Razon ng UNTV at Bro. Eli Soriano ng Dating Daan na nag-alok ng tulong para sa kanyang throat surgery. Matatandaang kamakailan ay nagpunta sa Singapore si Nora para magpaopera sana.

Subalit hindi na tuloy ‘yun. Ayon sa superstar, may pag-asang maibalik ang dati niyang boses. Kailangan lang talaga na sumailalim siya sa operasyon dahil may laman na nakadikit sa kanyang lalamunan na kailangang ihiwalay.

comments