Home » Entertainment » Rocco at Sanya, muling magsasama

Rocco at Sanya, muling magsasama

28sanya n rocco instagram copy copy

MULING magsasama sina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa upcoming GMA Afternoon prime series na pinamagatang “Haplos.”

Mukhang ipu-push ang kanilang tambalan na kinakitaan ng chemistry sa “Encantadia” kung saan gumanap sila bilang Aquil at Danaya respectively. Nabuo ang DanQuil love team nina Rocco at Sanya.

Natupad ang wish ni Sanya na makatrabaho muli si Rocco sa next project niya after “Encantadia.” Mabait, marespeto, gentleman, supportive at magaan ito katrabaho, ani Sanya.

Malaki ang pasasalamat niya sa GMA na ipinagkatiwala sa kanya ang role na Danaya sa “Encantadia.” Malaking hakbang ‘yun sa kanyang career na ani Sanya, dati’y walang pumapansin sa kanya.

Now, kapag nagpupunta siya sa mall, Danaya ang tawag sa kanya ng mga taong nakakakita sa kanya. Maski noong nag-show sila ni Rocco sa Vancouver, Canada, kilala na si Sanya at Danaya rin ang tawag sa kanya.

Sobrang na-appreciate ng GMA big bosses ang performance ni Sanya sa “Encantadia,” pati ang pagiging professional niya. Gano’n din si Rocco, kaya muli silang pagsasamahin sa panibagong show.

Inaabangan ng kanilang fans kung magiging real na ang kanilang reel love team. Self-confessed NBSB (No Boyfriend Since Birth) si Sanya. Hindi kaya si Rocco ang maging lucky first BF niya? Ani Sanya, open siya sa posibilidad. Pero kailangang ligawan muna siya ni Rocco. (Rowena Agilada)

comments