Home » Entertainment » Gil Cuerva, pinagbabantaan

Gil Cuerva, pinagbabantaan

gil cuerva copy copy

MAY mga nagbabanta diumano sa baguhang si Gil Cuerva na pasasabugin ang mga sikreto niya sa buhay. Diumano, may sex video scandal ang leading man ni Jennylyn Mercado sa “My Love from the Star.”

Nagbabanta diumano ang detractors ni Gil na ibubunyag sa publiko ang lahat ng itinatago niya. Mukha namang hindi nababagabag si Gil nang nakausap siya ng entertainment writers sa presscon ng “My Love from the Star.”

Aniya, ramp model siya. Marami siyang friends. Marami siyang nakikilalang iba’t ibang tao. Confident siya na wala siyang dark secrets. Wala siyang sex video scandal. Wala siyang anak o asawa.

Pero inamin ni Gil na “taken” na siya at meron siyang girlfriend. Kaya “nganga” na lang ang mga babaeng pahopia (umaasa) na mapansin sila ni Gil.

He is 21 years old. Nine years older sa kanya si Jennylyn na 30 years old. Sabi nga ni Jen, tita na lang siya ni Gil. Huwag nang tangkaing lagyan sila ng love angle dahil off-camera, may kanya-kanya silang love partners. Merong Dennis Trillo si Jen.

Going strong ang kanilang relasyon, pero hindi pa sila engaged. Sabi ni Dennis, darating din sila doon. Sabi naman ni Jen, five years pa bago siya mag-aasawa.

comments