Home » Entertainment » Glaiza, Korea-bound

Glaiza, Korea-bound

WALA pang follow-up project si Glaiza de Castro matapos ang “Encantadia.” Aniya, pagkakaabalahan muna niya ang promotion ng bago niyang album. Co-produced niya ito with PolyEast Records.

Magbabakasyon muna siya sa Korea at paalis siya sa June. Manonood din si Glaiza ng concert ng hinahangaan niyang rapper-singer na si G Dragon (Kwon Ji-Yong). Gaganapin ‘yun sa Seoul World Cup Stadium.

Ayon sa Kapuso actress, crush niya si G Dragon na former member ng K-Pop boy band na Big Bang.

Zero ang lovelife ni Glaiza at single siya for the longest time. Na-link siya kay Benjamin Alves. Pero aniya, hindi naging “sila.” Nanligaw ito sa kanya at almost there na sila. Kaya lang, parang bulang biglang naglaho si Benjamin.

Hindi na nagparamdam kay Glaiza.

Bago kay Glaiza, na-link din si Benjamin kay Max Collins. Pa-fall ang Kapuso actor na hindi nag-pursue sa panliligaw.

Now, engaged na si Max kay Pancho Magno.

Na-link din si Benjamin kay Kylie Padilla na balitang pinagsabay pa ang panliligaw kina Kylie at Glaiza. Now, balitang si Julie Anne San Jose ang girlfriend ni Benjamin. Buntis naman si Kylie na manganganak sa July sa baby boy nila ni Aljur Abrenica.

comments