Home » Entertainment » Thea, the bad girl

Thea, the bad girl

MATAPOS mapanood sa “Destined to Be Yours,” agad binigyan ng GMA7 ng bagong project si Thea Tolentino. Kasama siya sa upcoming GMA Afternoon prime series na pinamagatang “Haplos.” Pagbibidahan ito nina Rocco Nacino at Sanya Lopez.

Third wheel kaya rito si Thea? Good or bad girl kaya ang role niya? Nagmarka ang karakter niya bilang Trish sa “Destined to be Yours” na tinampukan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Gumanap si Thea bilang ex-girlfriend ni Alden (Benjie).

Identified na si Thea sa kontrabida role na aniya, hindi isyu ‘yun sa kanya. Ang mahalaga’y may trabaho siya at hindi siya pinababayaan ng Kapuso Network. Homegrown talent si Thea na female winner ng isang reality show ng GMA7. Si Jeric Gonzales ang male winner. For a while ay naging love team sila.

Marami ang nag-push na maging real ang reel love team nila. Pero hanggang on camera lang ang kanilang relasyon. Off-camera, si Mikoy Morales na isa ring Kapuso ang nagmamay-ari ng puso ni Thea. (Rowena Agilada)

comments