Home » Entertainment » Julia B., pinagseselosan ng young actress

Julia B., pinagseselosan ng young actress

alden1e copy copy

Dahil sa big success ng first major concert ni Alden Richards, “Upsurge,” malamang ay magkaroon ito ng repeat.

Maraming fans and supporters niya ang hindi nakapanood dahil sold out ang tickets. Maagang naubos, kaya “nganga” ang mga gustong manood.

Gusto namang manood muli ng fans and supporters ng Pambansang Bae na anila, sobrang nag-enjoy sila sa concert.

Sobrang thankful si Alden sa lahat ng nanood na aniya pa, hindi naman siya talaga singer-performer, kundi aktor. Pero grabe ang suporta sa kanyang first major concert na ginanap sa Kia Theater. Congratulations!

Nagseselos?

Kahit ibinuking ni Vice Ganda sa “Gandang Gabi Vice” na may boyfriend si Louisa Andallo (ex-PBB housemate), hindi niya ito napaamin. Kahit pa binanggit ni Vice ang name ni Ronnie Alonte, deny pa rin si Louisa.

Itinanggi rin ni Louisa na nagkaroon sila ng “something” ni Joshua Garcia. Nang tanungin kung nagseselos ba siya kay Julia Barretto, parang hirap sumagot ni Louisa, prompting Vice to say words to that effect, “Uy! Nagseselos ka kay Julia, noh?”

Tinanong pa ni Vice si Maris Racal (ex-PBB housemate rin) na BFF daw ni Louisa kung may boyfriend na ito. Halatang pinigilan siya ni Louisa, kaya ang nasabi na lang ni Maris, “BFF ba kita?” Mukhang may nalalaman si Maris sa estado ng lovelife ngayon ni Louisa.

Usap-usapan naman na diumano, nag-level up na ang special friendship nina Julia at Joshua na dating ka-love team ni Louisa.

Wala pa ring kupas

Wala pa ring kupas si Regine Velasquez. Matindi ang dating ng version niya ng “Ikaw Nga,” na OST (Original Sound Track) ng “Mulawin Vs. Ravena.” More than 100,000 views na ito sa social media after 14 hours mula nang i-upload ito.

Sobrang thankful ang Asia’s Songbird na kasama rin sa cast ng MVR where she plays Sandawa. Si Regine ang gumaganap bilang ina ni Magindara (Lovi Poe) na Diyosa ng Karagatan.

Samantala, painit nang painit ang mga tagpo sa MVR. Second week na ito ngayon at marami ang nagtatanong kung ano’ng mangyayari sa karakter ni Heart Evangelista bilang Alwina. Totoo kayang mawawala muna ang kanyang karakter dahil may uumpisahan siyang bagong teleserye? Sayang naman kung sa pilot week lang napanood si Heart.

comments