Home » Entertainment » Will Sylvia Sanchez pose as hot momma?

Will Sylvia Sanchez pose as hot momma?

31sylvia instagram copy

OVERWHELMED pa rin si Sylvia Sanchez na sa edad niyang 46 ay may nagtiwala pa sa kanya para maging brand ambassador.

Ito ang Beautederm Soap, ang kauna-unahan niyang product endorsement sa loob ng 27 years ng kanyang showbiz career.

Kaya naman labis ang pasasalamat niya sa Beautederm CEO na si Rhea Tan, na nakasama niya sa launching at presscon na ginanap noong May 26.

“Sobrang masaya. Actually, hindi talaga ako makapaniwala na at the age of 46 nakuha ko ito. Noong kinausap ako ni Rhea, sinabihan niya ako sa pag-endorse nito, wala akong masabi, speechless, nakatawa lang. Sabi ko nga, wala talaga sa edad iyon, basta ginusto ng Diyos at may perfect timing, mangyayari at mangyayari. Kaya ngayon talagang puro pasasalamat na lang ang nasasabi ko sa Itaas,” ani Sylvia.

Ayon pa sa veteran actress, pinaghandaan niya talaga ang launching niya kaya todo workout ang ginawa niya. “Kailangan kasi. Hindi lang kasi mukha ‘yung kailangang makita ng mga tao, bilang ikaw ‘yung bagong mukha ng Beautederm, kailangan susunod din ‘yung katawan. Kasi aminin natin ang laki ko. Pero lumiit na po ako kasi naggi-gym na po ako araw-araw.’’

Dahil ine-effort niya ang pagpapaganda ulit ng skin at katawan, natanong tuloy siya kung posible bang makita ulit siyang naka-swimsuit o naka-two piece bikini sa isang pictorial? “Huwag namang two piece. One piece, pwede na ‘yun.

Ako naman prangka naman ako, wala naman tayong itinatago. Ilan na ang anak ko, meron tayong stretch marks. Pero kung skin, mukha, okay naman ako diyan. Kasi ayokong mag-two piece tapos dadayain, ayoko nun. Ipakita natin ‘yung natural.

Kaya nga nung tinanggap ko itong endorsement na ito, gusto kong ipakita ‘yung totoong ako, ayokong dayain. So, ganun din pag nag-one piece ako.”

Papayag din ba siyang mag-pose ng sexy kung sakaling kunin siya ng FHM para maging cover girl bilang Hot Momma? “Pag siguro naging 19 (inches) ulit ang bewang ko,” natatawang sabi ni Sylvia. “Pag na-reach ko yung 19, why not? Pero hangga’t 28 ang bewang ko, huwag na.”

Kung sakali ay hindi naman si Sylvia ang unang nanay na magiging FHM cover girl. Ilan sa mga tinaguriang Hot Mommas na malapit sa edad ni Sylvia na pumayag mag-pose ng sexy sa FHM ay sina Eula Valdez, Jean Garcia, Pops Fernandez, at Dina Bonnevie. (Glen P. Sibonga)

comments