Home » News » News Roundup » Bangkay ng babae natagpuan sa creek

Bangkay ng babae natagpuan sa creek

Natagpuang lumulutang ang bangkay ng isang babae sa isang creek sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa police, nakita ang katawan ng babae na lumulutang sa creek ng Calavary Hill Street sa Rolling Hills Subdivision, Barangay Damayang Lagi, bandang 9:13 a.m.

Base sa initial report ng Quezon City police, may sugat sa noo at walang underwear at pants ang babae na nasa edad 45 hanggang 50 nang matagpuan. Nakasuot lamang siya ng green T-shirt na may pangalan ng isang junk shop sa Paco, Manila.

Sinabi ng police na dakong 9 a.m. nang i-report sa kanila ng mga residente ang tungkol sa lumulutang na bangkay ng isang babae. Napag-alaman na sariwa pa ang sugat sa noo ng biktima nang matagpuan.

Aalamin pa ng police kung pinatay ang babae bago itinapon sa creek o nahulog siya sa tubig.
(Vanne Elaine P. Terrazola)

comments