Home » Entertainment » Sef Cadayona, minumura ng fans

Sef Cadayona, minumura ng fans

1sef instagram copy copy

Pinuputakti ng bashers/haters ngayon si Sef Cadayona dahil sa muling “pagkabuhay” ng isyu sa kanila ni Maine Mendoza.

Noong unang pumutok ang tsika sa kanilang dalawa na diumano’y “secret lovers” sila, kapuwa sila nag-deny.

“Namatay” ang isyu. But then again, dahil sa recent post ni Maine sa social media ng videoke party nila, kasama sina Juancho Trivino at Sheena Halili, “nabuhay” na naman ang isyu kina Maine at Sef. Suspetsa ng ilang netizens, diumano’y sa bahay nina Sef nagkantahan sina Maine.

Parehong no comment sina Sef at Maine, gayun din sina Juancho at Sheena. Kawawa si Sef dahil kung anu-anong panlalait ang natatanggap niya mula sa basher/haters niya. Sobrang galit sa kanya ng fans na halos isumpa siya. ‘Yung iba’y minumura pa si Sef.

Inaakusahan nilang diumano’y user siya. Feeling guwapo at 10 feet tall. Galit ang fans dahil diumano, bukod kay Maine, ginamit din daw ni Sef ang ex-girlfriends niyang sina Yassi Pressman at Andrea Torres. Ayon pa sa fans, ang kapal daw ng mukha ni Sef na siya pa ang nakipag-break sa dalawang beautiful women, gayung hindi naman daw siya kaguwapuhan, bansot pa. Kulang pa raw siya sa sex appeal at kataka-taka raw kung bakit na-fall sa kanya sina Yassi at Andrea.

Damay sina Juancho at Sheena sa galit ng fans kay Sef. Diumano, kunsintidor ang mga ito sa pagbi-“bridge” kina Sef at Maine.

comments